Mariing tinutulan ng grupong Federation of Free Workers (FFW) ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee Information Officer Marco Valbuena na magtatag sila ng hit squad na targets ang mga opisyal ng pulis, sundalo at mga ahente ng gobyerno at maging ang politicians na dumanak ang kanilang mgdugo dahil sa pagkakautang.
Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, tinututulan ng kanilang grupo ang paglilikida ng anumang hindi pagkakaunawaan gaya ng kanilang pagtutol sa extrajudicial killings at pagbabalik sa death penalty.
Paliwanag ni Atty. Matula, ngayong taong 2021, nanawagan sila na magkaroon ng kapayapaan at hindi digmaan at ayaw nila ng kumalat pa ang karahasan at pagpaslang ng marami pang mga Filipino.
Giit pa ni Atty. Matula, pagod na umano ang sambayanang Filipino sa mga nangyayaring pagpaslang dahil hindi mareresolba ang anumang problema sa pagpaslang kung saan kinokondena nila ang mga nangyayaring extrajudicial killing sa urban o kaya sa mga kanayunan na inisiyatibo umano ng pwersa ng estado o kaya sa communist guerrillas.
Umapela ang FFW sa gobyerno, simbahan at civil society groups na itigil na ang mga pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan o kaya maging sa mga opisyal ng pamahalaan.