Grupong FLAGG, naniniwalang ang mga frontliners ay namamatay dahil sa kawalan ng rapid test

Kinokondena ng Filipino League of Advocates for Good Governance o FLAGG ang kawalang aksyon ng Department of Health (DOH), FDA (Food and Drug Administration) at Research Institute for Teopical Medicine (RITM) sa mga nakabinding application for excemption ng daan-daang rapid testing kits upang mai-deploy na sana sa mga frontliners at mga komunidad na naka-Extreme Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay FLAGG President Ed Cordevilla kahit pa nga aprubado ng Estados Unidos, Europa, China, South Korea, Indonesia, Australia atbp ang COVID-19 rapid test ay hindi ito pinapayagan ng FDA sa bansa.

Paliwanag ni Cordevilla, dahil walang early detection at on-site mapping ang DOH sa pagkalat ng virus ay nangangamatay ang nga frontliners sa bansa.


Dagdag pa ni Cordevilla, ang Pilipinas na ang may pinakamaraming bilang sa buong daigdig ng mga frontliners katulad ng nga doktor, nurse at health worker na tinatamaan at namamatay dahil sa COVID-19.

Marami aniya sa mga frontliners ay nangangamatay nang hindi man lamang nalalaman kung positibo sa COVID-19.

Kinaniniwala si Cordevilla na kawalan ng Rapid Test at mga protective gear kaya kinatatakutang mauubos ang mga frontliners.

Giit ni Cordevilla, kung nade-detect lamang agad ang mga positibo sa pamamagitan ng mass testing at nadedetect agad kung may tama ng COVID-19 ang mga frontliner ay nabibigyan na sana sila ng karampatang medical attention.

Inaasahang darami pa ang tatamaan ng COVID-19 dahil sa kahinaan ng sistema ng DOH sa early detection ng virus at inasahang marami pang maisasakripisyong frontliners dahil na din sa kakulangan ng mga protective gears laban sa virus.

Facebook Comments