Nagsagawa ng kilos-protesta ang women’s group na Gabriela sa lungsod ng Maynila.
Ito’y para kondenahin ang mabilisang pagpirma sa Marhalirka Investment Fund ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Nasa halos 40 miyembro ng nasabing grupo ang nakiisa sa kilos-protesta kung saan nagsimula sila sa may bahagi ng Morayta saka nagmartsa patungong Mendiola.
Panawagan ng Gabriela, unahin sana ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa sahod, kakulangan ng trabaho at pantat-pantay na respeto sa lahat.
Giit nila, hindi na sapat o hindi kakayanin ang maliit na sweldo na kinikita ng isang ordinaryong empleyado kung saan wala rin silang natatanggap na tulong mula sa pamahalaan.
Halos dalawang taon na rin nakaupo bilang pinuno ng bansa si Pangulong Marcos Jr., pero wala pa ring pagbabago habang wala pa rin nangyayari sa mga ipinangako nito.
Inihayag pa ng grupo na sa darating na Lunes o sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA), makikiisa sila sa kilos-protesta kasama ang iba’t ibang grupo para ipaalam ang mga pangakong napako na binitawan ng pangulo.