Wednesday, March 4, 2026

Grupong Gabriela, nagkasa ng kilos-protesta sa tapat ng DOF sa Maynila para ipanawagan na tuluyan ng tanggalin ang VAT

Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Gabriela sa tapat ng Department of Finance (DOF) sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Ito’y para ipanawagan na tuluyan ng ibasura ang Value-Added Tax (VAT) sa mga basic goods at tanggalin na rin ang ipinapatupad na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Kasinod ito ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis matapos ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa pahayag ni Clarice Palce ang Secretary General ng Gabriela, batid nila na sa bawag pagtaas ng presyo ng langis, kaakibat nito ay ang pagtaas din ng preayo ng mga pangunahing bilihin.

Aniya, magiging dagdag pahirap na naman ito sa pamilyang pilipino kung saan nararapat na kumilos na ang pamahalaan para masolusyunan ang problemang ito.

Panawagan pa ng kanilang grupo, hindi na dapat hintayin pang umabot sa $80 kada barrel ang presyo ng langis bago kumilos ang gubyerno.

Iginiit pa ng grupong Gabriela, ngayon pa lamang ay dapat ng tanggalin ang excise tax at VAT sa langis upang hindi na maging dagdag na pasanin pa sa bawat pamilyang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Paliwanag pa ng Gabriela, ang trilyong buwis na hinuthot sa taumbayan ay hindi naman napupunta sa serbisyo dahil binubulsa at kinukulimbat ng mga kurakot sa gobyerno.

Facebook Comments