Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga kababaihan sa Camp Aguinaldo kaninang umaga kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Day.
Bitbit ang kani-kanilang mga plakard na korteng labi na may pulang lipstick, kinokondena ng mga miyembro ng Gabriela ang matagal nang problema sa “red-tagging”.
Sigaw ng mga ito tigilan na ang pag-atake sa mga human rights defenders at mga aktibista.
Isinisigaw rin nila ang pagbuwag at pagtanggal ng pondo sa National Task Force to End Local Communist (NTF-ELCAC).
Para sa kanila mas mabuti raw na ilagay na lang ang pondo ng ELCAC sa COVID-19 response nang sa gayon ay mas marami pa ang makinabang.
Samantala, muling nagpahayag ng suporta ang Gabriela sa mga aktres na sina Angel Locsin at Liza Soberano.
Kasunod ito ng pahayag laban sa kanila ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na spokesperson ng NTF-ELCAC.
Ayon sa grupo, matindi ang mga pinagsasabi ni Parlade dahil idinidikit nito kahit sinong mga kababaihan, artista at organisasyon kagaya ng Gabriela sa mga terorista.