Grupong GOMBURZA, ikinabahala ang mga kaso ng pagpatay sa mga pari at iba pang alagad ng Simbahan

Manila, Philippines – Nababahala na ang grupong GOMBURZA, ang samahan ng mga pari, relihiyoso at Layko sa sunod-sunod na pagpatay sa mga pari at taong Simbahan.

Ayon sa running priest na si Fr. Robert Reyes, panahon na para lumabas ang taong Simbahan para kondenahin ang lumalaganap na kawalan ng paggalang sa buhay.

Aniya, Dapat magbantay ang taumbayan dahil bago ang pagpaslang sa mga pari, uminit muna ang mga kaso ng Extrajudicial Killings (EJK).


Nakababahala na aniya ang sitwasyon dahil kasama na rin ang mga pari sa mga pinapatay ng walang malinaw na dahilan.

Sinabi pa ni Fr.Reyes na mahina ang law enforcement sa ngayon dahil wala pa ring naisasarang kaso sa pagkamatay ng isang pastor at tatlong pari.

Gayunman, hindi aniya magpapadala sa takot ang kaparian at magpapatuloy na maninindigan sa paglaban sa kasagraduhan ng buhay.

Facebook Comments