Ikinagalak ng grupong Grain Retailers Confederation of the Philippines o GRECON ang pagpapataas sa buying price ng palay ng National Food Authority o NFA.
Ayon kay GRECON National Spokesperson Orly Manuntag mula sa ₱19 kada kilo nasa ₱20 kada kilo na ang dry na palay habang nasa ₱19 na kada kilo mula ₱16 ang kada kilo.
Paliwanag ni Manuntag, suportado nila ang hakbang na ito ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kung saan sa pangyayari rin na ito hindi na umano mababarat ang mga magsasaka sa kanila inaaning palay lalo pa’t pumasok na ang anihan
Matatandaan nagsimula ng bumaba sa ₱14 hanggang ₱17 ang bentahan ng palay sa Pangasinan at Nueva Viscaya.
Pero ngayon may panabla na umano ang mga magsasaka kapag binabarat silang trader dahil may mataas na presyo ang NFA.
Naniniwala pa ang GRECON na malaki ang maitutulong ng hakbang na ito ng pangulo upang makabawi at kumita ang mga magsasaka ngayong panahon ng anihan.