Grupong kadamay, kumakalap ng halos kalahating milyon para makalaya pansamantala ang ‘floodway 41’

Manila, Philippines – Nagsimula nang mangalap ng pondo ang grupong kadamay para sa kanilang mga miyembro at mga residente ng East Bank Road sa floodway Pasig City na ikinulong dahil sa naging marahas na dispersal bunsod ng inakalang demolisyon nuong isang linggo

Ayon kay Danmer John De Guzman secretary general ng Kadamay Metro Manila P450,000 ang kailangan para sa pansamantalang kalayaan ng tinaguriang ‘floodway 41’.

Sinabi pa ni De Guzman na P500 kada isa ang pyansa para sa illegal assembly P12,000 sa direct assault at P2,000 para sa resisting.


Kasunod nito nagsasagawa na ang grupo ng fund raising para mabuo ang halos kalahating milyong pyansa.

Ngayong umaga kinalampag ng grupong Kadamay ang Pasig City hall upang ipabatid ang kanilang kahilingan na makausap si Pasig city Mayor Bobby Eusebio.

Tinututulan din ng grupo ang planong relokasyon sa kanila dahil masyado anilang malayo ang Kalawan Quezon na planong paglipatan sa mga apektadong residente.

Facebook Comments