Manila, Philippines – Nagbanta ang grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na magsasagawa sila ng pambansang protesta.
Ito’y para kalampagin at hilingin sa pamahalaan na ibigayna sa mga mahihirap at walang bahay ang mga nakatiwangwang na lupa sa bansa.
Sa isang statement, binigyan diin ng KADAMAY na dapat ngipamahagi ng National Housing Authority ang mga hindi natitirhang pabahay parasa mga tunay na nangangailangan.
Umapela din ang KADAMAY sa gobyerno na tutukan angproblema sa mga housing projects sa halip na paalisin at i-demolish ang bahayng mga informal settlers.
Sa pagtaya ng grupo, mahigit limampung libong mga idlehousing units sa animnapu’t isang lugar sa Metro Manila at sa probinsya nainilaan para sa mga sundalo at pulis ang hindi naman natitirhan.
Grupong KADAMAY, maglulunsad ng pambansang protesta
Facebook Comments