Grupong Kadamay, nagbanta ng mga planong pag-okupa sa ilang pabahay

Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong Kadamay na may mga susunod pa silang mga planong pag-okupa sa mga public housing projects.

Nabatid na inokupahan nila ang ilang pabahay sa Pandi, Bulacan na nakalaan sa mga sundalo at pulis.

Ayon kay Kadamay Chair Gloria Arellano – ilalabas sa susunod na Linggo ng National Housing Authority (NHA) ang listahan ng mga opisyal at units na ookupahahan ng mga miyembro ng pambansang pulisya at militar.


Pero sinabi sa kanila na hindi pa naisasapinal ang listahan nito.

May nakatakdang dayalogo ang Kadamay kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. sa Lunes (June 19).

Facebook Comments