Manila, Philippines – Nagpatikim na ng kilos protesta ang grupong KADAMAY habang papalapit ang State of the Nation Address ni Pres. Rodrigo Duterte.
Nagmartsa ang mga niyembro ng Kadamay mula Morayta hanggang Mendiola.
Nanawagan sila kay Duterte na ipatigil ang ipinatutupad na demolisyon sa mga maralita na umuukupa sa mga pribadong Lupain.
Sinabi ni John de Guzman, Secretary General ng KADAMAY Metro Manila na hindi tinupad ni Pangulong Duterte ang pangakong walang magaganap na demolisyon sa kanyang administrasyon.
Nais ng grupo na ipamahagi muna ang mga pampublikong lupain sa mga maralita, halimbawa na lamang Aniya sa kahabaan ng Manggahan floodway sa Pasig City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558