Grupong Kadamay, nagpaliwanag sa ginawa nilang pag-iingay sa tanggapan ng National Housing Authority

Manila, Philippines – Iginiit ng grupong Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na hindi sana sila mag-iingay sa tanggapan ng National Housing Authority kung nagkaroon sana ng maayos na pag-uusap sa kanilang hanay.

 

Sa interview ng RMN kay Kadamay National Chairperson Bea Arellano, iginiit nito na handa ang kanilang grupo na makipagdayalogo sa NHA pero hindi sila hinaharap ng mga ito.

 

Ayon kay Arellano, wala ibang dahilan kundi kahirapan talaga ang nagtulak sa kanilang grupo na ilegal na umokopa sa pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

 

Dagdag pa ni Arellano, kung pipilitin silang paalisin ay lilipat sila sa tanggapan ng NHA sa Quezon City para doon tumira.

 

Panawagan nito, lutasin na ang nasabing usapin at wakasan na ang sistemang bulok sa NHA.

 

Sinabi naman ng Housing and urban Development Coordinating Council (HUDCC) na bibigyan ng prioridad ang mga Kadamay sa susunod na housing program ng gobyerno.

 

Sa ngayon ay papipirmahan ang mga Kadamay ng eviction notice kung saan nakasaad na dapat lisanin ang mga bahay sa loob ng pitong araw.



Facebook Comments