Grupong Kadamay, nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng NHA

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tapat ng National Housing Authority (NHA) para ipanawagan ang abot-kaya at pangmasang pabahay para sa mga mahihirap.

Ayon pa sa grupo, sa kabila ng paulit-ulit na pangako para sa “inclusive housing,” maraming urban poor families pa rin ang naninirahan sa mga delikadong lugar habang ang mga land developer ay kumikita sa pagsasamsam ng mga lupain at pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastruktura.

Ayon kay Kadamay Secretary General Ka Mimi Doringo, dapat na ang dapat na prayoridad ng pondo ng gobyerno ay sa pabahay at hindi dapat malayo sa transportasyon at iba pang mga serbisyo.

Bukod dito, ipinanawagan din nila ang pagwawakas sa bilyon-bilyong pondong napupunta sa korapsyon, lalo na sa flood control projects at relocation projects.

Dagdag ng grupo, asahan na magsasagawa muli sila ng kilos-protesta patungong Mendiola sa Oktubre 10, kasabay ng pagdiriwang ng World Homeless Day.

Facebook Comments