Grupong Kadamay, nagsampa ng reklamo sa Ombudsman laban sa ilang opisyal ng PNP

69

Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ng grupong Kadamay ang ilang opisyal at tauhan ng pulisya sa Pandi, Bulacan.

Ito ay may kaugnayan sa pagkakumpiska ng libo-libong kopya ng dyaryong Pinoy Weekly na naglalaman ng mapanirang lathalain laban sa administrasyong Duterte.

Sa 19 na pahinang reklamo, kabilang sa kinasuhan ay sina Police Captain Jun Javier Alejandrino, acting chief of police ng Pandi Police Station at Police Lt. Gerardo Espiritu.

Isinama rin sa kinasuhan sina Central Luzon Regional Director Rhodel Sermonia at Bulacan Provincial Director Lawrence Cajipe.

Facebook Comments