Manila, Philippines – Nilinaw ng grupong Kadamay na wala silang balak okupahin ang isang housing project sa Pasig City.
Ito’y matapos mabigong nilang inspeksyunin ang mga pabahay kasama si Garbriela Rep. Arlene Brosas.
Sa interview ng RMN kay Kadamay NCR Secretary General Joan Toridio, nais lamang nilang kumpirmahin kung substandard ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo nito.
May 15 low rise buildings sa manggahan residence kung saan ang hulog ng mga benepisyaryo sa kada unit ay mula 800 hanggang 1,000 pesos kada buwan sa loob ng 13 taon.
Karamihan sa mga nakatira ay mga residenteng inalis sa danger zone sa Pasig.
Facebook Comments