Manila, Philippines – Sinugod ng grupong makakalikasan at katutubo ang Chamber of Mines International Conference na ginaganap ngayon sa hotel Sofitel, lungsod ng Pasay.
Agad namang isinara ang main entrance ng nasabing hotel para pigilang makapasok ang mga miyembro ng militanteng grupo bitbit ang kanilang streamers at plakards na nagpapahayag ng pagtutol sa open pit mining.
Sandali pang nakapag programa ang grupong makakalikasan at mga katutubo sa entrada ng hotel hanggang sa paalisin sila ng mga otoridad.
Sa ngayon itinutuloy ng grupo ang kanilang demonstrasyon sa kalsada kung kayat mabagal ang usad ng mga sasakyan sa kahabaan ng CCP Complex.
Nais din ng grupo na isara at isuspende ang lahat ng mining companies na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan .
Sigaw pa nila na ibasura ang Mining Act of 1995.