Grupong KAPATID, nagtipon-tipon sa harap ng Korte Suprema para hilingin ang agarang pagpapalaya sa mga presong high risk sa COVID-19

Nagtipon-tipon muli sa harap ng Korte Suprema ang mga miyembro ng grupong KAPATID.

Kasabay ng pagtirik ng mga kandila, muli silang nanawagan sa Supreme Court na magpalabas na ng kautusan na palayain ang mga bilanggong high-risk sa COVID-19.

Itinaon nila ang pagtitirik ng mga kandila sa En Banc Session ng mga mahistrado at sa kaarawan ni Mama Mary ngayong araw.


Ayon kay Fides Lim, ang tagapagsalita ng grupong KAPATID, ang itim na kandila ay kanilang itinirik para magkaroon daw ng konsensya ang mga mahistrado at magpasyang palayain ang vulnerable inmates.

Kabilang anila sa mga presong dapat na pansamantalang makalaya habang may pandemya ay mga nakatatanda, may karamdaman at mga nursing mother o mga nagpapasusong ina.

Anila, limang buwan nang naihain ang nasabing petisyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang Korte Suprema.

Facebook Comments