Ipinahayag ng human rights group na Karapatan na takot lamang umano ang gobyerno kung kaya’t ipinagbawal ang mga kilos-protesta.
Sa isang statement, sinabi ni Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, na ginagamit lamang ng pamahalaan na dahilan ang lumolobong kaso ng COVID-19 upang takutin ang publiko na hindi sumama sa ikinasang mga rally kasabay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 27, 2020.
Dahil sa Department of the Interior and Local Government (DILG) memorandum, hindi na itinuloy ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang pagpapalabas sana ng rally permit sa mga iba’t ibang grupo na gustong magpahayag ng kanilang saloobin.
Naghihimutok ang mga militanteng grupo dahil inilabas ang memorandum ng DILG na last minute kung kailan kasado na ang mga preparasyon ng iba’t ibang grupo.