Grupong Karapatan, pumalag sa pag-aresto sa isang doktor

Pumalag ang grupong Karapatan sa pag-aresto kay Dr. Ma. Natividad Marian Castro.

Si Dra. Castro ay unang napaulat na miyembro ng Communist Party of the Philippines na inaresto sa San Juan City ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bisa ng warrant dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention sa Caraga.

Sa isang statement, iginiit ng Karapatan na human rights at health worker si Dr. Naty at hindi miyembro ng CPP.


Umaapela ang grupo sa PNP na irespeto ang karapatang pantao ng doktora at payagan na makausap niya ang kaniyang pamilya at abogado.

Facebook Comments