Nagpasaklolo kay LTOP National President Orlando Marquez ang grupong Dona Soledad Transport Cooperative na galing pa sila sa General Santos upang ireklamo ang ginawang panggigipit ng LTFRB Regional Paterno Padua sa kanilang hanay.
Ayon kay Marquez idudulog niya kay DOTR Secretary Arthur Tugade ang reklamo ng naturang grupo upang agad mabigyan ng kaukulang aksyon.
Paliwanag ni Marquez nais umano ni Director Padua na dalawang Kooperatiba ang mamahala ng Fleet Management sa buong GenSan na bawal dahil sa mayroong karapatan ang bawat ruta na mag-kooperatiba.
Giit pa ni Marquez umapela ang grupong Dona Soledad Transport Cooperative kay Pangulong Duterte na imbestigahan si Padua at kapag na patunayan na mali o inaabuso niya ang kanyang kapangyarihan hiniling ng grupo na sibakin ng pangulo si Director Padua.