Grupong kumokondena sa ginagawa ng China sa WPS, nagkasa ng peace rally sa Maynila

Aabot sa higit 1,000 miyembro ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang nakibahagi sa peace rally na isinagawa sa Maynila.

Unang nagtipon-tipon sa España Blvd. ang grupo at nag-martsa patungong Mendiola pero hindi sila pinayagan saka ikinasa ang programa sa Morayta.

Panawagan ng nasabing grupo, suportahan ang mga programa at polisiya ng adminitrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa isyu ng West Philippine Sea.


Iginiit nila na dapat ay tularan ng bawat Filipino ang paninindigan ng Pangulong Marcos Jr., na tumindig laban sa lahat ng ginagawang pangha-harass, pambu-bully at pananakot ng China Coast Guard sa karagatan sakop ng Pilipinas.

Ayon sa tagapagsalita ng ABKD na si RJ Villena, nararapat lamang na ipagtanggol ang soberaniya at teritoryo ng bansa sa Exclusive Economic Zone kung saan ipaglaban ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Kinokondena rin nila ang iligal na pagpapatupad ng China ng regulasyon o polisiya sa West Philippine Sea lalo na’t labag ito sa pandaigdigan batas.

Muli nilang panawagan na atin ang West Philippine Sea at kapayapaan hindi digmaan ang nararapat gawin.

Facebook Comments