Grupong Lakbayan, makikibahagi sa September 21 Mass protest

Manila, Philippines – Magtatagal hanggang September 21 ang isinasgawang kampuhan sa UP Diliman ng Lakbayan ng Pambansang Minorya.

Ayon kay Alana Cortes, spokesperson ng BAYAN-ST, ang kampuhan ay paghahanda sa malawak na kilos protesta na ikinasa sa September 21 bilang paggunita sa deklarasyon ng Martial law ni dating pangulong Marcos.

kahapon ay isinagawa ang seremonya ng salubungan sa UP Diliman ng mga ibat ibang grupo ng mga katutubo, mga Moro na galing ng Cordillera, Cagayan Valley, Central Visayas at Mindanao.


Bitbit ng Lakbayan ang kanilang panawagan sa Duterte administration na i-lift ang Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments