Grupong LTOP, kinuwestyon ang posibleng pagbabalik sa kalsada ng Angkas

Pumalag ang isang transport group sa napipintong pagbabalik sa kalsada ng Angkas.
Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators (LTOP) President Orlando Marquez, nagtataka siya kung bakit papayagan pa ang motorcycle booking application na Angkas na magbalik-operasyon, gayong napaso na noong Marso ang prangkisa nito.

Aniya, antayin muna ng Angkas na mabigyan sila ng legal na prangkisa bago bumalik sa kalsada.

Giit ng LTOP President, kung ang mga traditional na jeepney na kaya namang sumunod sa health protocols gaya ng social distancing ay hindi pa mapayagan, mas higit na dapat maghigpit ang pamantayan na mai-applay sa Angkas.


Kung ipipilit aniya ng Angkas na makabalik-operasyon sa ilalim ng GCQ, lilitaw na colurum ang mga makikita sa kalsada.

Facebook Comments