Grupong LTOP magkakaroon ng libreng sakay sa Dec. 28

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP na magkakaroon ng free ride simula alas 8 AM hanggang 4 PM hapon sa December 28 na magsisimula sa tanggapan ng LTFRB sa East Avenue patungong Circle, North Avenue pagkatapos tatawid sa West Avenue Tawid sa Quezon Avenue to Timog Avenue at vice versa.

Ayon kay LTOP National President Orlando Marquez, bukod sa libre sakay magkakaroon din ng free seminars ng paggamit ng gadget para sa Euro 4 compliance para mawala ang usok sa mga sasakyang gagamit dito.

Paliwanag ni Marquez napakahalaga ang paggamit ng gadget na pampawala ng usok upang makatulong na rin sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas ng polusyon.


Nanawagan din si Marquez sa lahat ng mga pampublikong driver na tumalima sa batas trapiko at ipairal ang disiplina sa lansangan upang magkaroon ng kaayusan sa pagmamaneho sa lansangan.

Facebook Comments