Grupong Magdalo, hindi sangkot sa destabilization laban sa Duterte administration

Manila, Philippines – Hindi naniniwala si Magdalo Pl Rep Gary Alejano na may nilulutong destabilization plot laban kay President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alejano bilang Magdalo, sanay na siyang kilatisin kung may gumagalaw para pabagsakin si Duterte.

Aniya, ang nakikita niya sa ngayon ay mga aksyon ng pangulo na siyang lumilikha ng destabilization sa bansa.


Tinukoy ni Alejano ang pananakot sa mga institusyon na gustong manindigan laban sa administrasyong Duterte.

Ito aniya ay lumilikha ng pagkahati-hati sa bansa.

Facebook Comments