
Magpapasada na mamaya ang mga tsuper mula sa grupong MANIBELA na nagsagawa ng kilos-protesta at tigil-pasada kahapon at ngayong araw.
Ngayong araw ay tinapos na ng grupo ang kanilang protesta dito sa PHILCOA sa Quezon City.
Kasunod na rin ito ng pakikipagpulong kahapon ng Manibela sa LTFRB at DOTr.
Sinabi ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena na ikinokonsidera din nila ang sitwasyon ng mga mananakay kaya’t hindi na nila itutuloy ang kanilang protesta na magtatapos pa lang sana bukas.
Ani Valbuena, mamayang hapon ay balik na sa pamamasada ang kanilang mga miyembro na sumama sa kilos-protesta at mga miyembrong hindi pumasada.
Facebook Comments









