Hindi natatakot ang mga miyembro ng grupong Manibela na mawalan ng prangkisa dahil sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw.
Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, ayaw naman daw talaga nilang magsagawa ng kilos-protesta.
Gayunpaman, ito lamang ang nakikita nilang paraan para mapakinggan sila ng gobyerno sa kanilang panawagan kaugnay sa PUV modernization program.
Paglilinaw pa ni Valbuena, hindi nila tinututulan ang modernization program ng pamahalaan.
Nais lamang aniya nila na muling mapag-aralan ang usapin at makonsulta ito kasama ang kanilang grupo.
Giit pa ni Valbuena, malaki ang epekto ng pagphaseout ng jeepney sa bansa dahil mawawalan ng mura at makataong masasakyan ang publiko.
Facebook Comments