Itinanggi ng grupong Manibela na hinaharang nila ang biyahe ng ibang jeepney drivers sa kanilang pagbiyahe.
Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng Grupong Manibela, hinihikayat lamang nila ang kapwa tsuper ng jeep na makisama sa ikinakasa nilang tigil-pasada.
Aniya, nasa desisyon naman ng mga tsuper at operator kung makikiisa sila gayun para sa kapakanan naman ng lahat ng bumibiyahe ng tradisyunal na jeepney ang kanilang ginagawa.
Hindi rin daw nila pinu-pwersa ang mga tsuper na sumama sa kilos-protesta dahil kusang loob silang nakiisa para narinig ang kanilang panawagan.
Matatandaan na inirereklamo ng Manibela ang pagbibigay sa kanilang ng notice ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang December 2023 na lamang sila maaaring mag-operate o pumasada kung saan hiling nila na magbitiw sa pwesto at papanagutin ang mga corrupt na official ng LTFRB.