
Nagtipon-tipon ang ilang mga miyembro ng grupong Manibela sa Monumento Circle sa Caloocan City ngayong araw.
Ito’y para muling ipanawagan sa pamahalaan na itigil ang planong phase out ng mga traditional jeepney.
Giit ng grupo, magkaiba ang hawak na datos ng Department of Transportation (DOTr) kumpara sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa bilang ng mga consolidated na jeepney kung saan niloloko at nalulugi na ang kabuhayan ng ibang transport groups.
Panawagan din nila na mag-resign na si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz at mga regional director dahil sa mga kapalpakan nito at umano’y korupsyon sa ahensiya.
Kasabay ng kanilang pagtitipon ay ang pagsasagawa ng tigil-pasada pero hindi naman ito magtatagal kung saan sa Lunes, March 24 aarangkada ang tatlong araw nilang tigil-pasada.
Matatandaan na mismong si DOTr Secretary Vince Dizon ay hinihikayat ang Manibela na magkaroon muna ng pag-uusap pero nais ng grupo na suspendihin muna ang programa at ibalik ang prangkisa ng mga jeepney operator.