Grupong Manibela, umaasa pa ring mababago ang posisyon ni PBBM sa deadline ng PUV consolidation

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang grupong Manibela pagdating sa usapin ng public utility vehicles (PUV) modernization program.

Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, umaasa pa rin silang magbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa deadline PUV consolidation na nakatakda sa huling araw ng taon, December 31, 2023.

Dagdag pa ni Valbuena, mayorya sa mga miyembro nila ay hindi pa nakakasama sa konsolidasyon at 20% pa lamang ang nakatatalima ilang araw bago ang deadline.


Umaasa rin umano ang grupo na maglalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng PUV modernization program bago matapos ang taon.

Nauna nang inihayag ng mga transport group na handa silang palawigin ang strike kahit hindi dinggin ang kanilang apela.

Kasalukuyang nagsasagawa ng tigil-pasada ang MANIBELA at PISTON mula December 18 hanggang 29 bilang pagtutol sa PUV consolidation.

Facebook Comments