Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pagbuo ng mga Lawyers, Judges, law professors at mga law students ng grupong “Manlaban sa Extra Judicial Killings.”
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Roque na walang bansa sa buong mundo na hindi kumikilala sa presumption of regularity sa lahat ng mga operasyon kabilang na ng pulis.
Welcome aniya ang pagbuo sa nasabing grupo dahil makatutulong ang mga ito para maglabas ng ebidensiya para patunayan na mayroong extra-legal killings at maparusahan ang mga nagkasala.
Malinaw naman aniya ang posisyon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kukunsintihin ang walang basehang pagpatay sa sinoman at hindi naman kokontrahin kung makakapatay habang pinoprotekrahan ang sarili o self-defense.