Grupong nag-organisa ng protesta sa Edsa-White Plains sa Quezon City, may paalala sa magbibigay ng mensahe sa kanilang programa

May paalala ang grupong United People’s Initiative (UPI) sa mga magsasalita sa kanilang programa ngayong araw bilang kanilang protesta at panawagang transparency at accountability sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Secretary General ng UPI na si Retired Captain Rey Valeros na hindi nila kinukunsinti ang pagbitaw ng mga sedation remarks.

Dahil para sa kaniya, may ibang paaran pa para ipahayag ang saloobin.

Iginiit rin niya na hindi laban sa gobyerno ang kanilang panawagan bagkus laban sa mga opisyal na namamahala ng gobyerno na hindi nakikinig sa panawagan ng taumbayan.

Inaasahan naman ng grupo na aabot sa 30,000 ang lalahok sa kanilang programa na kinabibilangan ng iba’t ibang religous groups kabilang ang Iglesia ni Christo (INC), Kingdom of Jesus Christ (KOJC), Jesus is Lord (JIL), at One Bangsamoro.

Samantala, inihayag rin ni Valeros na ang mga magiging speaker sa kanilang programa ay mismong mga taumbayan na nakaranas habang may ilan ding politiko na nagpakita ng intensyon na magsalita sa kanilang programa.

Mensahe naman ni Valeros na sana ay pakinggan ng lahat ng opisyal ng gobyerno at inimbitahan na magtungo sa kanilang programa upang makinig at pag-usapan ang problema ng bansa

Patuloy naman ang isinasagawang maximum tolerance ng Quezon City Police District (QCPD) sa paligid ng EDSA People Power Monument habang nakakalat din sa lugar ang ilang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority – Swift Traffic Action Group (MMDA STAG), at mga personnel mula sa QC LGU.

Facebook Comments