Grupong Nagkaisa Labor Coalition, hindi pabor sa planong pagtatatag ng Revolutionary government at kinondena ang pambobomba sa Jolo, Sulu

Mariing tinututulan ng Grupong Nagkaisa Labor Coalition ang planong pagtatatag ng Revolutionary government kung saan ang ilang grupo ay tinututulan ang diktatoryang pamamalakad, ito man ay inisiyatibo ng pamahalaan o anumang samahan ng ating lipunan.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition President Atty. Sonny Matula, kapag nagdeklara umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng Revolutionary government, inaabandona nito ang mandato sa ilalim ng 1987 Constitution na hindi na siya kikilalanin bilang Pangulo ng bansa at ang kanyang hindi lehitimong gobyerno ay walang karapatang mamahala.

Si Vice President Leni Robredo ang kilalanin bilang Presidente alinsunod sa tinatawag na Constitutional succession.


Samantala, mariing kinondena rin ng Grupo ang kambal na pambobomba sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng mga sundalo, pulis at sibilyan.

Paliwanag ni Atty. Matula, hindi nila tino-tolerate ang ganitong gawain ng mga teroristang grupo.

Kasabay nito, nanawagan sila sa gobyerno na magkaroon ng mabilisang imbestigasyon at managot sa batas ang nasa likod ng karumal-dumal na pambobomba.

Facebook Comments