Hinikayat ng grupong NAGKAISA Labor Coalition ang pamahalaan na sa halip na tanggalin ang pagba-ban sa pagpapaalis ng mga health workers sa abroad mas marapat umano na magkaisa na lamang ang gobyerno sa pagkuha ng health workers sa Civil Service.
Ayon kay NAGKAISA Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, naniniwala ang kanilang grupo ang pagpapatibay sa sistema ng ating public health ay isa sa pinakamagandang aral sa nararanasan nating nakamamatay na pandemic.
Paliwanag ni Atty. Matul, sa kabila ng mayroong sapat na pondo na umaabot sa ₱75 bilyong budget sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay wala pa ring ginagawang hakbang ang Department of Health (DOH) upang matugunan ang kakulangan ng mga health workers.
Giit ni Atty. Matula, napapanahon na sa ganitong sitwasyon na dapat kumuha na ang gobyerno ng mga health workers sa Civil Service at huwag lamang umasa sa mga nagboboluntaryo ng kababayan natin.