Grupong NAGKAISA Labor Coalition, humiling na ilahad ang NAP budget ng gobyerno tungkol sa pagpapalawig ng Luzon lockdown

Hinamon ng grupong NAGKAISA Labor Coalition ang gobyerno na idetalye ang National Action Plan (NAP) budget sa mga manggagawa upang maunawaan nila kung ano ang kanilang maitutulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay NAGKAISA Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, napakabagal umano ang ginagawang aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) para tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na ECQ.

Paliwanag ni Atty. Matula, dapat ipaliwanag ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung ano ang mga detalye sa kanilang National Action Plan budget upang makagawa naman ng paraan ang mga manggagawa dahil pagpapalawig ng lockdown.


Naniniwala si Atty. Matula na habang pinapalawig pa ang lockdown mas lalong dadagdag ang kakailanganing tulong ng gobyerno sa publiko.

Facebook Comments