Umapila sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang grupong NAGKAISA Labor Coalition upang magkaroon ng dayalogo para tuldukan na ang usapin sa problema ng mga manggagawa sa COVID-19.
Ayon kay NAGKAISA Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, sang-ayon sila sa ipinatutupad ng gobyerno na social distancing para mapigilan ang nakamamatay na virus, pero hindi mapipigilan ng social distancing ang kumakalam na sikmura ng mga mahihirap na manggagawang na humihiling na magkaroon ng Tripartite.
Paliwanag ni Matula, sang-ayon din ang kanilang grupo sa ginagawang donasyon ng mga matataas government officials sa kanilang mga sahod pero mas pahahalagahan nila kung kasama sila sa mga isasagawang konsultasyon.
Nangangamba ang mga manggagawa kapag pinalawig pa nag Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil kinakapos na sila sa budget kaya’t humihiling sila sa pamahalaan na magkaroon ng emergency meeting of the National Tripartite Industrial Peace Council on-line on sa Miyerkules ganap na alas-2 ng hapon upang mas epektibong masolusyunan ang problema sa kalusugan, social at ng epekto sa ekonomiya dulot ng COVID-19 sa mga manggagawa at negosyo.
Inilatag ng grupo ang nais nilang matugunan ng gobyerno kabilang ang National Action Plan, CAMP, TUPAD and ESP implementation, providing workers with food and other basic necessities, guaranteed income and financial support to MSMEs, 14-day quarantine leave for PUI and PUM, Workers representation in policy making at iba pa.
Hiniling ng NAGKAISA Labor Coalition sa DOLE na mag-convene ng naturang on-line meeting sa pamamagitan ng Zoom o kaya Skype sa darating na Miyerkules dahil karamihan sa mga tumatanggap na minimum na sahod ay hindi pa umano nakatatanggap mula sa tulong ng gobyerno.