Grupong Nagkaisa Labor Coalition, nanawagan sa agarang pag-release sa mga mahihirap na manggagawang ikinulong dahil sa kilos protesta

Umapila ang grupong Nagkaisa Labor Coalition sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na pakawalan na kaagad ang mga mahihirap na manggagawang nagsagawa umano ng kilos protesta sa Quezon City.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, hindi makatarungan ang ginawang pagtaboy sa mga urban poor workers na humingi lang ng pagkain dahil nagugutom na ang mga ito bunsod ng ipinatupad na lockdown at walang mga barangay chairman na naghahatid sa kanila ng relief goods.

Paliwanag ni Atty. Matula, natatandaan nito ang ginawang pagkundena ni Pangulong Duterte sa mga magsasaka ng Kidapawan noong 2016 dahil rin sa kagutuman.


Matatandaan na noong Presidential Election time, nanawagan si Pangulong Duterte sa Commission on Human Rights (CHR) para imbestigahan at bigyang ayuda ang mga nagugutom na mga magsasaka.

Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na ang karapatan ng bawat isa na magsagawa ng mapayapang pagtitipon ay kanilang karapatan na iparating sa gobyerno ang kanilang karaingan kahit nasa ilalim tayo ng National Emergency.

Facebook Comments