Grupong Nagkaisa Labor Coalition, umapela sa gobyerno na i-adopt ang mahigit ₱1 trilyong stimulus program

Hinikayat ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang gobyerno lalong-lalo na ang mga mambabatas na i-adopt kahit ang 1.3 trillion pesos stimulus program na makakatipid sa pangunahing economic sectors, maka-preserba ng kasalukuyang trabaho at makakuha ng bagong employment, maka-secure ng kita ng mga kasambahay, ma-improve ang health policy at anti-COVID response, at makagawa ng ligtas na industriya para sa mga manggagawa.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition President Atty. Sonny Matula, ang naturang halaga ay hindi lamang mabibigyan ng kasiguraduhan at kapakanan ng mga manggagawa kundi malaking tulong din ito sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Paliwanag ni Atty. Matula, kung maganda ang ekonomiya ng bansa, napakalaking pakinabang ito sa mga manggagawa maging sa hanay ng mga negosyante.


Dagdag pa ni Atty. Matula, halos ₱820 billion ng Gross Domestic Product (GDP) ang nawawala sa ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter pa lamang ng 2020. Para ma-offset ang first-semester contraction, ang GDP ay kailangang lumago ng tinatayang average ng 8.6 percent sa parehong 3rd quarter at 4th quarter ng 2020.

Ibig sabihin aniya, ang aktibidad ng ekonomiya ay kailangang makakuha ng hindi kakaunti sa ₱430 billion karagdagang value sa parehong 3rd quarter at 4th quarter ng 2020 at ito ang resulta ng net growth 0% para sa taong 2020.

Facebook Comments