
Susugurin ngayong araw ng grupo ng Disaster Survivors at Environmental Groups ang House of Representative ngayong araw.
Kasunod na rin ito ng isinagawang kilos-protesta sa compound ng mag-asawang cotractor na si Curlee at Sara Discaya kahapon.
Una nang tiniyak ng grupo na kanilang kakalampagin ang iba’t ibang opisina ng gobyerno at mga pribadong kontraktor dahil sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Tiniyak ng grupo na rain or shine ay magsasagawa sila ng kilos-protesta sa harap ng House of Representatives dahil sa katiwalian umano ng mga kongresista na sangkot sa maanolyang mga flood control projects.
Kahapon nang tapunan ng putik at pinturahan ng “Magnanakaw Ikulong” ang gate ng opisina ng pamilya Discaya.
Facebook Comments









