Maaaring imbestigahan ang grupong nananawagan sa pagtatag ng revolutionary government (RevGov) kung mayroong reklamong ihahain laban sa mga ito.
Nabatid na ipinapanawagan ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa pamahalaan na maitatag ang RevGov.
Ayon kay Department of the Interior and Local Governent (DILG) Undersecretary Epimaco Densing, posibleng ipinahayag lamang ng grupo ang kanilang pananaw.
Sinabi rin ni Densing na kilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo.
Aniya ang lider ng grupo ay si dating Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Chief Gene Mamondiong.
Bahagi rin ng grupo si Agrarian Reform Secretary John Castriciones at Undersecretary Emy Padilla.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang kinalaman sa grupo.
Bago ito, sinabi na ng DILG na wrong timing ang pagsusulong ng RevGov sa gitna ng COVID-19 pandemic.