Grupong nanawagan sa Supreme Court kaugnay sa VP Sara impeachment, umaasang babaliktarin ang desisyon at papayagang umusad ang paglilitis

Umaasa ang grupo ng concerned citizens na babaliktarin ng Korte Suprema ang desisyon na nagdeklarang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos na matanggap ng grupong Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance o TAMA NA ang sagot ng Supreme Court na nasabing noted ang kanilang sulat na ipinadala.

Ayon sa grupo, ngayong maituturing nang tinalakay ng SC ang kaso ay umaasa silang maglalabas ng bagong desisyon kaugnay dito.

Batay sa ipinadala nilang sulat sa Kataas-taasang Hukuman noong Agosto, hiniling nila na magsagawa ng oral arguments kaugnay dito, baliktarin ang ruling at hayaan ang Senado na ituloy ang paglilitis kay VP Sara.

Idineklara ng SC na unconstitutional ang impeachment trial ng Senado dahil sa paglabag sa tinatawag na one-year rule bar nang maghain ng higit sa isang complaint sa Kamara.

Facebook Comments