Grupong ng mga manggagawa, di na ikinabigla ang pagbaba ng trust rating ng Pangulo

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Bukluran Manggagawa ng Pilipinas (BMP) ang pababa na pababa na trust rating ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Malaking ambag dito ayon kay Leody de Guzman, Presidente ng BMP, ay ang patuloy na pagdami ng mga napapatay, kung saan pinaka huli ay nadadamay na ang mga kabataan.

Isa pang naka ambag aniya sa pagbaba ng trust rating ng Pangulo ay ang mga pangako nito kagaya ng pagppatigil ng kontrakwalisasyon sa sektor ng mga manggagawa, na aniya ay hindi naman tuluyang naipatupad.


Aniya, unti – unti nang natatauhan ang mga Pilipino na sa salita lamang magaling ang Pangulo.

Hindi na rin aniya nila ikagugulat kung sa mga susunod na araw, maglilipatan na rin sa ibang partido ang mga kaalyado nito sa PDP Laban.

Facebook Comments