Grupong PAMALAKAYA, hiniling na buwagin na ang NTF-ELCAC kasunod ng SC ruling kontra red tagging

Kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng red tagging, iginiit ng fishers’ group na PAMALAKAYA na panahon na para buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon sa grupo, ang naging desisyon ng SC ay tagumpay sa laban kontra sa mga mapaniil na batas, gaya ng Anti-Terror Law na lalong nagpapaliit sa demokratikong espasyo.

Ikinalugod ng PAMALAKAYA, ang paglilinaw ng SC tungkol sa mga mapanganib na implikasyon ng red tagging na nagbabanta sa karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad.


Dagdag ng grupo, dapat umanong magresulta ito sa legal na epekto sa paghahabol sa mga naglalagay sa buhay ng maraming aktibista sa panganib.

Facebook Comments