Grupong PAMALAKAYA, iginiit na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal

Nanatili ang paninindigan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya o PAMALAKAYA na sakop ng ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Dahil dito, giit ng grupo ang ginawang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda ay malinaw na harassment at intimidasyon.

Hinamon ng grupo ang National Task Force West Philippine Sea na pinamumunuan ni National Security Adviser Eduardo Año na maghain ng diplomatikong protesta sa gobyerno ng China.


Dagdag ng PAMALAKAYA, sapat na ang video na nakuhanan ng mga mangingisda para mapatunayang laganap pa rin ang presensya at intimidasyon ng Chinese Coast Guard sa mga Filipino fishermen sa sarili nitong karagatan.

Panahon na umano na bumalangkas ng polisiya ang gobyerno para ipagtanggol ang pambansang soberanya na nakabatay sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).

Facebook Comments