Kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng Militant Fisherfolk Group na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas si Bacoor City Mayor Lani Mercado.
Paglabag sa Environmental Laws at Fishing Laws ang isinampang kaso ng PAMALAKAYA na may kaugnayan sa illegal na reclamation ng pangisdaan o fishponds sa Manila Bay.
Ito’y may kaugnayan sa 320 hectares na Bacoor Reclamation and Development Project, at 100-hectare Diamond Reclamation and Development Project na itatayo sa Cavite.
Kinukwestyon ng mga mangingisda ang legalidad ng naturang proyekto dahil ang mga sinakop na lugar ay mga mangroves kung saan dapat ay protektado ng batas.
Ayon kay Fernando Hicap, National Chairperson ng PAMALAKAYA, ipinapakitang nito na pakitang tao lamang ang Manila Bay Clean Up ng gobyerno.