Grupong PAMALAKAYA, nagsagawa ng market protest kaugnay ng mataas na presyo ng galunggong

Nagsagawa ng market protest ang grupong PAMALAKAYA upang kalamapagin ang gobyerno sa pagtaas na rin ng presyo ng isda sa merkado.

Ayon kay Fernando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson, dapat nang umaksyon ang gobyerno para gawing abot-kaya ng mahihirap na mamamayan ang isdang galunggong.

Aniya, pumapalo na ang presyo ng galunggong mula P160 kada kilo sa average na P280 kada kilo.


Dahil sa pagmahal ng presyo nito, dumagdag ito sa pasanin ng consumers na apektado ng pandemya.

Hirit ng grupo, magtakda ang gobyerno ng price ceiling sa galunggong.

Unang sinuyod ng grupo ang Bagong Silang, Caloocan Public Market.

Facebook Comments