Dismayado ang Fisher’s group na PAMALAKAYA sa binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa grupo, lalong hindi kathang isip lamang ang kahirapang dinaranas ng mga mangingisdang Pilipino sa umiigting na tensyon sa West Philippine Sea.
Nakukulangan ang grupo dahil walang nabanggit na kongkretong aksyon ang pamahalaan para igiit ang karapatan sa pangisdaan sa WPS.
Wala rin umanong binanggit na programa para sa mga mangingisda na bagsak ang kabuhayan dahil sa nagpapatuloy na presensya ng mga dayuhang barko sa ating karagatan.
Nauna nang naiulat na bumagsak ng 60% ang kita sa kada palaot ng mga Pilipinong mangingisda dulot ng fishing ban na ipinataw ng China.
Facebook Comments