Grupong PCDO-ACTO, tinutulan ang phase out ng jeep dahil pahirap umano sa kanilang mga miyembro

Manila, Philippines – Naniniwala si PCDO ACTO National President Efren de Luna na lalong maghihirap lamang ang mga tsuper ng pampasaherong jeep kapag tuluyan nang iphase out ang mga pampasaherong jeep.

Ayon kay de Luna ayaw nila ng Phase Out dahil maganda pa naman ang mga jeep na kanilang mga pinapasada sa lansangan pero nilinaw nito na wala silang tutol kung 20 porsyento ng body o chassis ng mga jeep ay sira na pero kung 80 porsyento naman ay maganda o maayos dapat payagan ng LTFRB na ipaayos o iparehab ang kanilang mga jeep upang makapamasada sila sa lansangan.

Paliwanag ni de Luna na Prayoridad ng kanilang grupo ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero kaya ipinunto nito na kung kaya umano ng gobyerno na pondohan ang 265 libong Units na mabigyan ng prangkisa sa buong bansa ay wala umano silang tutol na palitan ang lahat ng kanilang mga sasakyan.


Giit ni de Luna hindi umano sila nakapipirwesyo sa mga pasahero dahil kokonti lamang sumama sa kanila at mayroon namang bumabiyahe pa sa kanilang grupo bukod dito hindi naman umano sila nakasagabal sa mga motorista dahil nasa gilid lamang mg QC Circle nakaparada ang kanilang mga jeep kayat hindi na umano sila tumuloy pa sa harapan ng LTFRB upang hindi makasagabal pa ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments