Manila, Philippines – Kinalampag ng mga parokyano ng grupong Promotion of Church People’s Response o PCPR ang bakuran ng DOJ sa Padre Faura, Maynila.
Sigaw ng grupo, palayain na si Bishop Carlo Morales ng Iglesia Filipina Independente na nauna nang inaresto ng mga otoridad noong Mayo a-onse 2017 sa Ozamiz City sa Mindanao.
Inaakusahan si Bishop Morales ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine ng pag-iingat ng illegal possession of explosives.
Kasama si Morales na dinampot ng mga otoridad nang arestuhin si Rommel Salinas- na sinasabing consultant ng National Democratic Front of the Philippines.
Ayon sa PCPR, protektado si Salinas gayundin si Bishop Morales ng Joint Safety on Immunity and Immunity Guarantees o JASIG bilang mga consultant ng NDFP sa isinusulong na peace talks sa panig ng gobyerno.
Nanindigan ang grupo na gawa-gawa lamang ang mga akusasyon laban kay Bishop Morales.