
Umaapela ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na masusi pa ring pag-aralan ang hinihinging dagdag pasahe ng mga operator at driver ng jeep.
Ito’y matapos na soplahin ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza ang naturang hirit.
Hindi pa umano napapanahon ang pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga jeep kahit pa sunod-sunod na oil price hikes dahil mayroon namang one peso provisional fare increase.
Ayon kay Boy Rebaño ng Liga ng Transportasyon o LTOP, walang nabanggit na ganito sa nangyaring konsultasyon kahapon.
Aniya, dapat rin itong ituloy na pag-usapan dahil bahagi ito ng karapatan ng mga operators at drivers.
Aniya, dapat pa rin itong pag-aralan ng gobyerno dahil malaki na ang nawawala sa kita ng mga driver sa unang bahagi ng 2026, kung saan pitong beses nang nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi naman ni Mody Floranda na halos P180 kada araw ang nawawalang kita ng mga driver na sapat na sanang may maibili ng dalawang kilo ng bigas.
Hindi rin aniya pwedeng isangkalan ang one peso provisional fare increase dahil hindi pa naman ito ganap na naipapatupad.
Nanatili pa rin aniya na trese pesos ang minimum na pasahe sa tradisyunal na jeep at 15 pesos sa modern jeepney.
Nauna na itong isinusulong ng PASANG MASDA pero wala pa ring desisyon ang ahensya para sa pormal na implementasyon.










